Andaming nangyari mula noong huling kwento ko hanggang ngayon. Pero dahil di naman ako sigurado kung interesado kang malaman lahat ‘yun, etong timeline ng nangyari sakin mula noong isang taon para naman makahabol tayo sa mga nawalang oras at sandali:
- Nagbalik Pinas. Oo, anghirap pala ma-homesick. Ilang buwan palang ako abroad, sobrang homesick nako. Pag-uwi ko galing trabaho tulo-luha nako sa homesick. Buti na lang pinadala sakin ng misis ko ‘yung panty na pinagbihisan niya para pag nami-miss ko siya sisinghutin ko lang ‘yung panty niya, pamatay homesick na. Pagkatapos ng ilang buwan di ko na masinghot kasi pamatay na ‘yung amoy.
- Birthday ni Papa. Sakto pag-uwi ko, bertdey ng tatay ko. Wala akong maisip na regalo. Pinag-iisipan kong bilhan ng importanteng bagay na magagamit niya ng pang-matagalan. Pero baka di niya magustuhan ‘yung iniisip ko. Gusto ko siyang regaluhan ng memorial plan. Hindi naman sa gusto ko na siyang madedo dahil ‘di pa niya napipirmahan ‘yung Last Will and Testament na ako ang magmamana ng ekta-ektaryang lupain.
- Birthday ni Cute Little Monster. Si cute little monster ang aking nag-iisang anak [assuming na baog pako noong binata]. Dalawang taon na siya. Ambilis nga ng panahon, kelan lang sanggol pa lang ‘yun at ako ang naghehele sa kanya. Pag tinamaan ako ng katamaran magtimpla ng gatas o kaya wala pa ‘yung nanay niya [para magtimpla ng gatas], pinapadede ko muna siya sa utong ko. Matagal tagal din niya akong ginawang pacifier.
- Lipatbahay. Sa wakas, nakalipat na din kami sa ‘ming munting bahay sa Cavite. Eto na ang maipagmamalaki ko sa buong buhay ko dahil hindi ko pa naranasan magkaroon ng sariling bahay. Pwede nakong maglakad lakad sa bahay na walang salawal na walang magrereklamo sakin. Off topic, pansin ko lang sa Cavite, dito ko na siguro nakita ang pinaka-mainitin ang ulo na mga tao, lalo na ‘yung mga drayber ng traysikel, bus, at jeep. Minsan, hinabol ako ng itak ng isang jeepney driver dahil lang kulang ng piso ‘yung binayad ko. Bwisit na ‘yan. Pwede namang sabihing ‘Boss, parang kulang bayad mo?’. Walang nakakatawa dun pero gusto ko lang ikwento.
- Resign sa trabaho. Huling araw ko sa opisina. Sa mga katrabaho, meron at meron talagang ang papel sa buhay ay mangkupal. Nagkataon, ‘yung amo kong babae ang reyna ng mga kupal – Makati chapter. Lahat kaming kaopisina ay merong naging traumatic experience sa hitad na ‘to. Exhibit 1. ‘Yung kumpare ko na nasabihan ng ‘Hindi bawal gamitin ang utak, mag-isip ka naman owkei?’. Exhibit 2. Ako na sinabihan ng ‘Para kang si Jimmy Santos… walang kwenta’. Whoa. At marami pang iba. Di ko alam kung bakit ba sa ‘min niya binubunton ang galit niya sa mundo. Kasalanan ba namin kung malapit nang magsara ang pekpek niya at wala pa din siyang syota? Kaya naman bilang pagpupugay, nung huling araw ko sa opisina nilagyan ko ng ihi ko ang kanyang paboritong Army Navy iced tea. Asa conference hall siya noon. Naiwan ‘yung iced tea sa cubicle niya. Pagkakataon nga naman. Kunsintidor din naman ang mga kaopisina ko kaya nagawa ko ang maitim kong balak. Meron pa kong lookout sa pinto. Inubos ko ‘yung ihi ko sa iced tea, tinaktak ko pa nga e. Di pako nakontento, nilublog ko pa ‘yung betlog ko. Kinilig ako sa lamig. Pagbalik ni amo sa kanyang cubicle , napansin ‘yatang naiba ang posisyon ng kanyang iced tea. Inamoy amoy muna. Maya maya, ay nilagok na ng tuluyan. Pero parang wala lang sa kanya, dedma lang. Di ako nasiyahan sa reaksyon niya, kaya painosente akong nagtanong:
Ako: Ubos mo na iced tea?
Amo: HA? [Nilakihan ako ng mata. Ganyan itsura niya pag tinatanong, laging gulat] Bakit gusto mo ba?!
Ako: Ah.. eh.. Ambilis mo kasing naubos.
Amo: [High pitched na] Eh dapat sinabi mo sakin na gusto mo pala. Binigay ko sana sa ‘yo… Iba na nga ang lasa eh.
Yun naman pala. Tinignan ko mga kaopisina ko. Namumula ang mga itsura, pigil sa pagtawa. Gustong matawa pero takot tumawa. Sabi ko next time na lang, ‘pag may iced tea siya ulit. Moral lesson: Wag mo nang pangarapin na maging magkaopisina tayo.
Ano pa ba? Wala nakong maisip ikwento. Ayun, nag-apply pala ako papuntang Malaysia. Nasilaw ako sa salapi at huli ko nang naisip na ayaw ko nang ma-homesick ulit. Umurong ako. Idedemanda daw ako ng kumpanya. Sabi ko na lang namatay kasi ‘yung tatay ko. Totoo naman ‘yun, di pa nga lang nagaganap ngayon pero siguradong mangyayari din naman ‘yun sa hinaharap. Wala namang taong imortal.
Ikaw naman magkwento. Anong pinaka ‘memorable’ na nangyari sa ‘yo mula 2010 hanggang ngayon?
