Ang hirap pag siksikan sa jeep. Kailangang ipitin ang betlogs mo para magkasya ang ibang pasahero at nang makalarga na. Sana na-foresee ni Papa Jesus ang ganitong krisis sa Pinas para ginawa na lang niyang detachable ang betlogs ng mga Pinoy. ’Yung pagsasakay ka na lang, isu-shoot mo na lang betlogs mo sa backpak mo o kaya makisuyo ka kay mayLabs na itago muna sa kanyang shoulder bag. Saka mo na lang ulit ikabit pagbaba ng dyip. [Isipin mo na lang ang mga magiging typical phone conversation sa opis: ”Mahal, naiwan ko ’yung betlogs ko sa bag mo. Wag mo kalimutan dalhin pag-uwi ha. Ay lab yu. Mwamwa”. Hehe. ]
Kung di ba naman kasi isa’t kalahating adik itong mga barker sa terminal ng dyip at FX. Pinipilit na magkasya ang sampung pasahero sa pang-waluhan. Wa epeks ’yung naririnig ko sa radyo na ’Isipin mo na lang mag-isa ka’ kasi ramdam kong kalahati lang ng pwet ko ’yung nakasampa sa upuan. Sinisigaw pa ng mga barker na ito na ’Sige kasya pa ang dalawa, kasya pa’, e kitang kita namang ’sangdangkal na lang ang natitirang espasyo. Pano na lang kung sumasaydlayn ’tong mga ’to na mambugaw ng chicks diyan sa may Cubao? “Sige kasya pa ang dalawa, kasya pa. O bakante pa ’yung butas sa may tenga, isa pa dyan. Sa may butas ng pilikmata, pede pa yan. Dali at bibiyahe na sa langit”. Langya namang kaadik-adikang mga barker na ‘yan. Di mo alam kung nanadya o talagang nawalan na ng common sense. Buti at di rin naging waiter sa high class restoran ang mga barker na ‘to. Ang tino ng candle light dinner deyt kasama si myLabs mo biglang lalapit saka sasabihing “Kasya pa dalawa sa table 3, esmyuski tabi lang po”. Nakow kung nagkataon tragedy ang labas ng date mo minus one thousand pogi points agad. Reminder na ‘yan na wag kang gagamit ng credit card sa date. Dahil nga likas na malalakas ang boses ng mga ’yan, baka isigaw pa sa ’yo na“Sir! Yur credit card exceeded it’s limit sir! No more balance Sir”. Haha. Habaan mo na lang ang pasensiya at baka mahila mo ang kanyang esophagus sa galit, maging kriminal ka pa ng wala sa oras.
Kung di naman siksikan sa dyip, mamalasin kang makasabayan ang mga may putok at sa magkabilaan mo pang tumabi na di mo alam kung sa’n nila hinuhugot ang lakas ng loob na isampay ang kamay sa hawakan at magpahangin ng kilikili. Nakng tokwa talaga. At pag dinoble naman ng malas, nakakasabayan ko pa sa dyip ang mga bumbay na yuppies papuntang Makati. Dear God, wala ka bang suggestion box diyan nang masulatan kita na magpaulan ka naman ng sandamakmak na tawas at matamaan ang mga bumbay na ’to. Kahit 40 days lang na tuloy tuloy na umuulan ng tawas, tulad nung ginawa mo kay Noah noon at nang makatikim naman kami ng sariwang hangin dito sa Manila.
