Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Kuwentong Bastos
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

The Choices We Make

$
0
0

In our lifetime, we jump from one work to another, approximately 5-7 times. San galing statistics ko?  Wala lang.  Napanaginipan ko lang.  Malay mo totoo.  Kung minsan hindi ka lang sigurado sa pinili mong gawin kaya ka palipat-lipat.  “Ayaw ko nang gumiling-giling, pagod na ako”, sabi ng potmaker.  Sabagay, para ka ngang nagbibilot ng malaking kulangot kung ganyan trabaho mo.  Ako nga, magkakaalmoranas na sa walong oras na pag-upo sa harap ng computer.  At pag Pinoy ka na nasa ibang bansa, kadalasang may dalawang full time job ka pa. 

Hindi ako nagtuloy maging sundalo o kaya mag-abugado.  Sa pagsusundalo,  kasama kasi sa job description ang kumitil ng buhay, mahina loob ko sa ganun.  Small time ipis killer lang talaga ako.  Iniisip ko nga kung pano ang payroll sa pagsusundalo.  Baka sabihan pa ako nung mga taga-payroll, “Tatlo pa lang nabaril mo, pano ka mapo-promote nyan?”.  O kaya, “Hala, may nabaril kang inosens, salary deduction ‘yan”, na para ka lang nakabasag ng pinggan.   Sa pag-aabugado naman, may pagkakataong dedepensahan mo ang isang kriminal [bawal kasi ang pumili ng kliyente].  “Injection your honor”,  isisigaw ko dun sa korte na rereplayan naman ako agad ng “Injection oberul”.  Packing sheet, bakit kaya injection eh di naman ako duktor. 

Software engineer ako ngayon with deep industry expertise working on Microsoft.Net platform.  Problema ko lang ang hirap i-explain sa pamilya ko kung ano ang ginagawa ko para kumita di tulad kung sundalo o abugado ka.  In plain words, kami ‘yung gumagawa ng mga ‘bleeding edge’ business technologies.  Ang mga kliyenteng nakaka-rubbing elbows ay ‘yung mga nasa Fortune 500 companies.  Pero ang suspetsa pa rin ni Mommy, macho dancer ako sa isang strip club dahil sa napaka-unholy hour kong magtrabaho. 

 ‘Pag nagre-reunion nga ang mga barkada kong sundalo o classmates sa law iskul, ako lang ‘yung odd man out.  “Di sundalo, di abugado, ano ito?”, napagti-tripan pa akong gawing bugtong pero ok lang.  May ilang colonel din sa training camp ang na-frustrate sa ‘kin noong di ako nagtuloy magsundalo, ‘yung mga naging tatay-tatayan ko kasi ako ‘yung parating number 1 sa physical and academic trainings.   Sa law school, si Dean Letty Aquino na nanay ni gifted child Fr. Aquino na isa sa top 1000 philosophers of the millennium in the world, ayaw akong payagang huminto sa law school.  Kakalawangin daw utak ko ‘pag huminto [hehe, dati na pong may kalawang].    

Last Sunday, nag-take ng bar ‘yung mga classmates ko sa law school.  Kasama sana ako kung di ako huminto last year.  Daming what if’s.  Indeed, what we do today affects who we are in the future.  Nag-attend pa din ako ng bar operations sa Dela Salle para suportahan ang mga kaibigan at kaklase.  Ang bar exam ang pinakaprestihiyosong exam sa Pinas.  Enjoy mag-attend kasi ‘yung kahabaan ng Taft sarado sa dami ng tao, media, at bandang nagpe-perform.   ‘Yun lang din ‘yung pagkakataong pwede kang magtatatakbo ng hubo’t hubad ng walang manghuhuli sa ‘yong pulis.  Ginawa ko nung college ‘yun pero hinuli ako ng sekyu.  Ang reklamo sa ‘kin, public scandal with oversized betlogs.  Hehe.  ‘Kaw, what do you do for a living? 



Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan