Umaatungal si BebeKo nang lumabas na ang resulta ng pregnancy test nya saka Histopath, parehong nagsasabing buntis siya. Noon ‘yun. Bago pa siya ‘dinatnan’ last week na nahirapan pa nga siyang i-flush ‘yun’ sa CR.
Mahirap i-console ang babae. Dahil una, mabilis ang kanilang emotional attachments sa mga bagay-bagay. Sakin, isang simpleng sperm at itlog lang ‘yun na nag-date at hindi nagkatuluyan. Hindi naman kasi kami close ng sperm ko kaya rason ko, ‘Gumawa na lang ulit’. Walang problema. Marami pa akong stock na sperm. Pero iba kay BebeKo. Pinangalanan na nga agad ni BebeKo ‘yun ng Angel. Ako may pinangalan na din naman – Casper. Baka nga pinagplanuhan na ni BebeKo kung anong brand ng pampers ang gagamitin ni Casper, saang exclusive school mag-aaral, at kanino siya ipapakasal. Hehe.
“Bakit hindi ka nalulungkot?”. Nilapirot ni BebeKo ang dibdib ko. Ewan, bakit kapag hinihila nya ‘yun e parang may kuryenteng dumadaloy papuntang betlogs ko. Hindi ko alam kung sinadya talaga ni Papa Jesus na magkaroon ng koneksiyon ang utong at betlog o baka ito lang ‘yung sinasabi kong ‘Maybe, it’s just me’.
“Anlungkot lungkot ko kaya tignan mo o?”. Sinipat ko muna ang sarili sa salamin. Ginaya ang pagkakalukot ng mukha ni John Lloyd Cruz noong nagsusumamo siya kay Bea Alonzo sa pelikulang ‘One More Chance’. Pero sablay. Hindi ko kamukha si John Lloyd. Sa pagkakataong ‘yun, mas kamukha ko si Bentong.
“Ikaw kasi, nagtampo tuloy sa ‘yo”, hirit ni BebeKo. Sabagay may punto siya. Sinabi ko kasi noon na hindi pa ako handa magkaroon ng anak. Wala akong balak i-share ang dede. Akin lang ‘yun. Baka nga gumanti si Casper sa ‘kin at lumabas ‘yung kamay nya sa inidoro at biglang kalabitin ‘yung betlog ko habang nagsi-CR ako. Nakokonsensiya na tuloy ako. Sa susunod, papayag na akong pumasok sa isang kasunduan para i-share ‘yung dede sa magiging baby ni BebeKo. Basta ba sa kanya ‘yung kaliwang dede, gusto ko akin ‘yung kanan. Kananete kasi ako.
Sabi ng OB-Gyne mababa daw ang matris ni BebeKo kaya kailangang ipahilot para tumaas. Wala pa akong naririnig na nagpapataas ng matris sa ibang bansa tulad ng Amerika at Australia kaya iisa lang ang naging siyentipikong konklusyon ko – malakas talaga ang gravity pull sa bansang Pilipinas kumpara sa ibang parte ng mundo.
Nagpahilot nga si BebeKo nung isang araw habang nasa opis ako. Andami daw pinagbawal nung aleng manghihilot. Bawal malamig na tubig, bawal ang Coke at higit sa lahat, bawal ang labing-labing. Taena naman, hindi ko alam kung may tagong galit sa ‘kin ‘yung manghihilot na ‘yun at pinagbawal ang sex. Ng isang buwan. Kulang na lang e isalang ako sa silya elektrika ah. O baka mas gugustuhin ko pang matutong sa silya elektrika, o pasakan ng buhay na kawad ng kuryente sa ilong kesa pagbawalan ng labmaking. Naman.
Tanggalin mo ang sex sa buhay naming mga lalaki ng limang araw kung hindi kami matuliro ng todo. Pakiramdam ko nga, ngayon pa lang, parang barado ang buo kong katawan, mahina ang pandinig [iba ang dinig ko sa salitang canton], at nanghihinang nahihirapang magreply sa mga comments nyo [Cencia na po].
Pakyu talaga ‘yung matandang ‘yun. Mahanting nga. Kung pinoproblema nya ‘yung mababang matris ni BebeKo, kaya ko namang ipataas ‘yun. Hihilahin ko lang ‘yung dalawang fallopian tube sa matris ni BebeKo hanggang umabot sa may balunbalunan nya saka ko ita-thumb tacks. Tapos.
