Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong makaharap si God at makausap ng masinsinan, eto ang mga suggestions ko para sa ikabubuti ng sangkatauhan:
- Dagdagan pa ang haba ng pototoy naming mga Pinoy kahit 2 inches lang. Sige na nga, kahit 1 inch lang. Sige na po, please. [Talagang tumawad e]
- ‘Yung idadagdag na haba sa pototoy namin e ibawas na lang po sa pototoy ng mga Negro at Kano para mabawasan din ang kayabangan nila. Saka para naman sa halip na puro gasgas na linyang ‘Pack me hard like a Negro’ ang sinasabi sa mga Hollywood movies e makakarinig na din kami ng mga bagong dialogue tulad ng ‘Make labs to me like a hot macho Pinoy’. Awwrrr!
- Patawan ng parusang kamatayan ang mga lalaking nagpapahaba ng kuko. Ganung ganun ang kuko nung sangganong nakatabi ko sa bus nung isang linggo. Kumikislap sa araw ang kanyang ‘bling bling’ na kuko na kulay dilaw at bright red. Kala ko may nakasabay akong taong ‘traffic light’. At may disenyo pang maliliit na hugis puso. Puke talaga, anong klaseng kabulbulan at kajologan naman ang makakaisip gumawa ng ganun. Hindi nga lang ako maka-epal baka bigla akong kalmutin. Sobrang naligalig ako dun sa nakita kong ‘yun kaya ilang gabi din akong hindi nakatulog ng mahimbing.
- Nagrereklamo na si misis sa palagiang pananakit ng buto nya sa pwet o ‘yung coccyx. At ang pinagdududahan nyang dahilan ay ‘yung lingguhan naming schedule ng ‘modern position’. Samantalang nung tinanong naman kami nung pre-marriage counsellor ng simbahan ng ‘Do you agree when your partner wants to ‘do it’ the modern way?’, e oo lang siya ng oo. Tatanungin ko pa sana ang lay counselor ng paignoranteng ‘Can you please qualify what do you mean modern way?’ e kaso umoo na ang aking butihing maybahay. [At opo, merong ganyang klaseng tanong sa simbahan bago ikasal]. Tutal naman sabi naman po sa Bibliya, galing kami kina Eba at Adan at hindi sa lahing unggoy, tanggalin na lang ang tail bone na ‘yun. [At pag wala na ‘yun, the possibilities are endless, biruin mo, pwede nang gawin ng mga couples kahit saan, sa lababo, sa bubungan, o loob ng washing machine ang gusto nilang gawin sa kanilang buhay at walang pwet na sasakit at magrereklamo].
- Bakit po kapag nae-excite kami e balahibo namin ang tumatayo? Mali po ‘yun eh. Isipin mo na lang na matutuwa ka tapos biglang ang magtatayuan ‘yung buhok mo sa pwet. Ampangit. Parang cartoons.
- Isa pa po ‘tong appendix namin. Sabi nung Science teacher ko wala naman daw silbi ang appendix pwera na lang kung vegetarian ka tulad ng kalabaw na kailangan ng extra pouch na lalagyanan ng ulam. Dahil karamihan naman po ng Pinoy ay walang balak maging vegetarian sapagkat masarap ang tocino, dinuguan, menudo, bopis, kare-kare saka nilagang baka, sana lang sa susunod na salinlahing Pilipino, wala nang appendix. [Opo selfish ako, gusto ko Pinoy lang ang walang appendix].
- Saka isa pa po ‘yang wisdom tooth na yan. Bakit po ba may wisdom tooth. Pag hindi pa po ba tinutubuan ng wisdom tooth ibig sabihin e bobo ‘yung tao. At pag may wisdom tooth na ay magkakaroon ka na ng wisdom? Mas mainam po bang pampatalino ang pagkakaroon ng wisdom tooth kesa kumain ng mani at paglaklak ng isang karton ng Tiki-Tiki? Kaya po ba mukang monay sabi ni Xienah Girl si Judy Ann Santos dahil kasinlaki ng kalabaw ang kanyang wisdom tooth?
- Kung ako lang ang tatanungin, hindi bagay sa kalalakihan ang may nipples. Bakit po ba may nipples kami hindi naman kami nagpapasuso? Saka hindi po ako sanay na nilalapirot ni BebeKo ang nipples ko pag natutuwa siya sa pinapanood niyang soap opera. Kaya kung pwede, wala na lang. Gawin na lang ‘abs’ mula dibdib hanggang tiyan.
- Last but not the least, ilipat ang betlogs sa noo ng kalalakihan at gayundin ang pukengkeng ng kababaihan. Mahirap na kasi ang panahon ngayon, hindi mo na madistinguish kung sino ang lalaki sa babae. May lalakeng mukhang babae. May babaeng may bigote pero babae. May bading na mas maganda pa sa babae. Lagi nga kaming natatanso sa Glorietta pano kala mo pagkagagandang dilag e mas mahahaba pa ata ang lawit ng mga hitad.
‘Yun lang po. Hindi ko po alam kung may suggestion box dyan sa langit, pero kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon, sana lang po mapakinggan ang aking payak na hiling.
P.S. Pahabol lang po, baka pwedeng padagdag na din ng guhit sa aming palad at daliri. Alam mo naman kaming mga Pinoy, mga rice-loving people. Eto kasi ginagamit naming pansukat ng tubig sa bigas. Si misis kasi pag nagsaing, kung hindi malabsa e tutong. Pag mas maraming guhit, malamang mas accurate ang sukat ng tubig. Tenkyu berimats po.
